ORGULLO
O N L i N E
28 October 2005
Hello, Garci, este, Org-garci? 'Eto, kausap 'yong Orgullo de Mamá press? Ano? 'Di kita marinig!? Mahina 'yung linya.... Teka, baka naka-wiretap tayo....
Transcript of the "phone call of the week" to this newsletter:
Madam: Hello.
Org-garci: Hello po, Ma'am.
Madam: O, ano na nangyari sa (inaudible)?
Org-garci: Ayos na po.
Madam: So, pupunta ba talaga si Niña sa Bora? Kasama mga HS amigas?
Org-garci: Opo, tiyak na yun, sa Oct 29-Nov 2 yata.
Madam: May dala bang bathing suit? Baka kasi may makipagkilalang soldier sa kanya dun, mahirap na, baka malaman sa Malacanan.
Org-garci: Boss, beach yun, malamang may bathing suits. Duh. (inaudible)
Madam: Ano 'kamo?
Org-garci: Este, sabi ko, "dalawa". May bathing suits--dalawa. (Whew).
Madam: Eh, pa'no na yung MA in Speech Comm n'ya?
Org-garci: In a few weeks po, start na siya. Kung marami pa kayong tanong tungkol kay Nins, puwede naman ho kasi siyang tawagan. May bagong line na siya, private line at hindi naka-wiretap: 660-2155. Hindi naman ho long distance ang Rizal eh....
Madam: Intrimitida ka ha...
Org-garci: Hindi naman po....
Madam: Anyway, sina Blossom at Diday, ano na nangyayari?
Org-garci: Eh si Blossom po, nakalimutang batiin si Don ng "Happy Birthday."
Madam: Oo, nga pala. Happy birthday, cutie.
Org-garci: (inaudible).
Madam: Kanina ka pa ha... Kapag nakita ko si Don sa Starbucks, hindi kita ibibili ng kape!
Org-garci: O, 'yun nga po, sina Blossom at Diday nag-apply sa isang company, corporate environment, maganda daw 'yung training. Wala pang final decision.
Madam: HSBC ba iyan?
Org-garci: Not sure po. Pero dahil P40-50,000 ang offer ng HSBC, gusto ko na ring mag-E.L..
Madam: Iiwan mo na ko? (inaudible) Eh si Allan, nag-apply ba d'yan?
Org-garci: Hindi po. Nagtrabaho na siya sa ABS-CBN as copywriter/producer for CinemaOne. Pero ang malaking balita eh, nag-resign na siya last week sa ABS-CBN.
Madam: Teka, teka, bakit?
Org-garci: Maraming dahilan. Wrong timing. Saka hindi talaga TV producer ang priority niya. Sa magazine po. O writer ng kung anuman, o columnist. Manood kayo ng 13 Going on 30, parang ganun. Puwedeng copywriter pero mas gusto niya print. So stay muna siya sa C-cubed. Itataas kasi ng C-cubed suweldo niya para hindi lumipat sa HSBC. Nagpipiratahan na kasi ng Spanish Agents.
Madam: Ah, ganun ba. O pa'no 'yan?
Org-garci: (Shouts) Sa C-cubed na nga ho muna siya. Siguro kapag itinaas na suweldo saka kapag natapos na mga reimbursements next year by Feb, baka ituloy na n'ya yung sa magazine o sa GMA.
Madam: (shouting) Hindi kailangang isigaw, no?
Org-garci: Sorry po.
Madam: O, si Jiji pala nakabalik na at naga-apply sa Thomson. Bakit hindi natin alam na nandito na siya?
Org-garci: Ah, nandito na ba? 'Di ko rin nalaman....
Madam: May silbi ka pa ba?
Org-garci: Meron naman po, Alam ko pong balak mag-provincial tour ni Blossom o pumunta sa Singapore o Hongkong 'ata.
Madam: "Ata"? Hindi pa sigurado.
Org-garci: Eh 'yun nga pong saleslady ni Mye sa SM North hindi alam 'yung birthday ng boss niya... Hindi po kasi lahat kami valedictorian....
Madam: O, siya. 'Yung ibang Orgullosos?
Org-garci: Medyo malabo po 'yung wiretapping natin sa ibang Orgullosos. Kaya wala po kaming balita. 'yung internet ni Rhoda medyo na trace namin... nabasa na niya 'yung mga latest issues ng Orgullo News Online.
Madam: Eh baka kailingang ayusin mo pagwa-wiretap mo!
Org-garci: Bayaan n'yo po... sana by next week....
Madam: O, 'yun lang ba?
Org-garci: Opo.
Madam: O, sige, 'bye. Ibaba mo na.
Org-garci: You muna.
Madam: 'Kaw na....
Org-garci: Sige, sabay tayo...
Madam: O, 1... 2... 3.... Mwah!
Org-garci: Si Madam talaga, (inaudible)....
Final Thoughts:
Hope you enjoyed this week's presentation!
Must-see movie: The 40-Year-Old Virgin. American Pie for the oldies. Really funny. You oughta see the ending. And it's a looong ending. And, no, we're not being vulgar here.
Did anyone attend the Verbena? Next year we should all make plans. Nins, 'di ba we want Italianni's? When you come back....
Meron pa kayang Halloween presentation ang MGB at Imbestigador?
Dito sa Orgullo News Online, talo pa si Katrina, Rita at Wilma sa tindi ng aksyon!
Next Issue: I see dead people....
No hay comentarios:
Publicar un comentario