ORGULLO
O N L i N E
21 August 2004
O N L i N E
21 August 2004
Mabuhay, mga bata! Ngayong buwan ng Pambansang Dila, er, Wika, nararapat lamang na tayong maging masaya, maliksi at masigla. Káya? Káya! Puwede? Puwede! Mula Batanes hanggang Jolo, tunghayan ang...
Liwayway Orgullo!
Ano ba itong mga nakakabaling-puri na nangyari sa buhay ni Jiji sa España? Hindi na makapaghintay ang karamihan! Pero kami'y naliligayahan sapagkat ang ating katipunan sa pamantasan ay maraming nakahanda para a ating lahat, tulad ng bagong pang-itaas na may guhit ng ating simbolo; ang ACLE sa ika-26 ng Agosto, ika -1 ng hapon sa Silid-paningin at -pandinig (AVR) ng Departamento; at, nakatutuwa namang malaman na nagsismula nang matakot sa grupo ang Euro.
Mas dapat silang matakot sa grupong Apog ni Inay (ano pa? Orgullo de Mamá!) na karamihan ay mga bunga ng Bilog na Mala-kastila (Círculo Hispánico). Kaya't naman itong si Tuldok-sa-Pisngi (Dimple) ay tuwang-tuwa sa ating balitaan sa ibabaw ng guhit. (Online! ‘kaw, ha, kanina ka pa...)
Itong si Bububuka-ang-Bulaklak (Blossom) (na nanood ng Gabi ng mga Kampeon) at Ilog (Rio) ay humahanap ng kamisetang pangsanggol mula sa lupang banyaga. Para sa ating panlasang kastila, narito ang listahan ng mga magagnap sa mga susunod na linggo:
Set 21---Bukasan ng mga papasok sa paligsahan sa pagguhit, Instituto Cervantes.
Set 28---Gabi ng mga tula ni Pablo Neruda, RCBC Plasa
Okt 1-17---Pelikula at iba pa, Berdeng Sinturon (Greenbelt!)
Okt 1-31---Tsibugan, Hyatt Regency Hotel
Okt 2---Palabas ng pinaliit na Don Quixote, RCBC Plasa
Okt 5-31---Mga larawan ni Marc Limagas ng mga gawain ni Gaudi, Museo ni Ayala
Okt 9---Mga sayaw basco, itinatampok ang tunay na bughaw na dyas (true-blue jazz),Tanghalang CCP
Okt 17---Piyesta sa Kalye (Verbena), Intramuros
Okt 19---gabi ng mga tula ni Miguel Hernandez, RCBC Plasa
Okt 21---Isang pagtatanghal ng Dulaang UP, RCBC Plasa
Si Ilog ay nag-aanyaya naman sa Cavite na sana ay mapuntahan nating lahat, gayun nga nama't uuwi na si ang Batang Babae (Niña). Basta't pagusapan na lang natin... Paki-plano naman, Bubuka-ang-bulaklak....
Samantala, nasaksihan naman nina Ilog, Bubuka-ang-bulaklak, Rhoda, Erika at Diday ang palabas ng hubad noong isang linggo, ngunit hindi nakasama si Palamuti (Jewel) dahil sa hindi maayos na isaw-pantao.
Kamusta na ba si Lolang Tag-init, Erika?
Marita, malamang ay hindi matuloy ang handaan sa ika-27 dahil sa iba't ibang dahilan. Maghintay na lamang sa mga susunod na kabanata.
Bago magunaw ang mundo...
Ating panoorin ang Jake 2.0, isang bagong palabas sa puting-tabing sa ika-23 kanal. Maganda, nakakaaliw, kamangha-mangha.
Malapit na ang kaarawan ng tatlong dalaga....
Aba, nasaan na ang iba at konti ang balita?
Dito sa Balitaang Apog sa Ibabaw ng Guhit: Maasahan. Matalino. Bibo. Iyan ang batang promil!
Susunod na kabanata: Top 10.
No hay comentarios:
Publicar un comentario